Hindi rin nakaligtas sa sakit na Coronavirus disease 2019 (COVID-19) si Justice Secretary Jesus Crispin Remulla.
Ito ay matapos na ihayag ng kalihim na siya ay nagpositibo rin sa nasabing virus nang sumailalim ito sa testing noong Huwebes, Hulyo 7.
Aniya, sa ngayon ay tanging mild symptoms lamang ng COVID-19 ang kaniyang nararamdaman at kasalukuyan na ring naka-quarantine sa loob ng pitong araw.
Magugunitang una rito ay inanunsiyo rin ng Malakanyang na nagpositibo sa parehong sakit sa ikalawang pagkakataon si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. matapos itong sumailalim sa antigen test noong Hulyo 8.
Ngunit tiniyak naman ni Press Secretary Trixie Cruz-Angeles na mild symptoms lang din ang nararamdaman ng presidente at bumubuti na rin aniya ang kondisyon nito.