-- Advertisements --

Isinapubliko na ni Department of Justice Secretary Atty. Fredderick Vida ang ilang mga paunang resulta ng imbestigasyon sa binuong Special Panel of Prosecutors kaugnay sa makaraan mga kaganapan sa senado.

Lumitaw sa ‘initial findings’ ng prosekusyon na hindi naman umano ‘under attack’ ang senado o ang gusali nito noong gabi ng ika-13 ng Mayo.

Pati ang ginawang aksyon ng Office of the Sergeant-At-Arms sa insidente ng putukan ng baril ay hindi rin katanggap-tanggap ayon sa prosekusyon.

Ito’y taliwas sa kamakailan pahayag ni Senador Alan Peter Cayetano kung saan kanyang pinanindigan ‘under attack’ ang Mataas na Kapulungan ng Kongreso o ang Senado.

Habang babala naman sa mga indibidwal na tumulong kay Sen. Bato Dela Rosa para makatakas ay tiyak na papapanagutin ng kagawaran.

Ito’y bunsod nang masapubliko ang selyadong ‘arrest warrant’ na inisyu ng International Criminal Court laban sa mambabatas hinggil sa pagiging co-perpetrator sa kasong crimes against humanity kinakaharap ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.