-- Advertisements --
Nakatakdang pulungin ni Department of Justice Secretary Jesus Remulla ang ilang mga environmental lawyers sa bansa para pag-aralan ang kasong isasampa sa Chinese Coast Guard.
Mayroong kaugnayan ito sa pagsira ng Chinese Militia vessels sa mga corals sa karagatang nasasakupan ng bansa.
Sinabi ni Remulla, na ang pagsampat nila ng paglabag sa environmental law laban sa China ay ipinaalam niya kay Pangulong Ferdinand Marcos.
Magugunitang ibinunyag ng Philippine Coast Guard na maraming mga corals sa ilang bahagi ng West Philippine Sea ang nasira na kagagawan umano ng mga Chinese militia vessels.