Ibinasura ng Department of Justice (DoJ) angcriminal complaint laban kay Senator Aquilino Pimentel III dahil umano sa paglabag sa quarantine protocols matapos magtungo sa isang pagamutan at kalaunan ay nagpositibo sa Coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Base sa desisyon ng DoJ prosecutors, matapos ang mahaba-habang preliminary investigation, ang reklamo ay naibasura dahil sa kawalan ng probable cause.
Ibig sabihin, hindi sila magsasampa ng kaso sa korte.
Ayon sa Office of the Prosecutor General si Pimentel ay hindi isang public health authority at hindi raw obligadong sa mandatory reporting provision ng RA 11332.
Pero ipagpalagay na lamang umanong kailangan niyang mag-report kaugnay ng kanyang medical condition bilang private individual sinabi ng mga prosecutors na wala naman daw siyang dapat i-report sa mga oras na nagtungo ito sa Makati Medical Center at sa S&R Bonifacio Global City noong Marso 24 at Marso 16.
Paliwanag ng DoJ, nalaman lamang niya na positibo ito sa nakamamatay na sakit noong Marso 24 na nasa premises na ito ng ospital.
Una rito, ang abogadong si Atty. Rico Quicho ang naghain ng reklamo laban kay Pimentel sa DoJ dahil umano sa paglabag nito sa Republic Act No. 11332 at iba pang regulasyon ng Department of Health (DoH).
Nakasaad din sa desisyon na hindi si Quicho ang “proper party” na maghain ng reklamo dahil ang kanyang mga ebidensiya ay base lamang sa mga news reports at ikinokonsidera itong “hearsay” lamang.