Hihingi ang Department of Justice (DOJ) ng “Blue Notice” sa interpol para makakuha ng impormasyon sa kinaroroonan ni Ako Bicol Partylist Rep. Zaldy Co.
Sinabi ni Communications Undersecretary Claire Castro na ito ang gagawin ng DOJ matapos na madawit ang mambabatas sa kontrobersya ng flood control anomalies at sa budget insertions.
Ang Blue Notice alerts ay hinihiling sa international police organization para matukoy ang mga dagdag na impormasyo nsa kinaroroonan at pagkakakilanlan ng mga isang tao na nahaharap sa criminal investigation.
Magugunitang unang sinabi ng kampo ni Co na nasa US ito para magpagamot kung saan binigyan naman ni Speaker Bojie Dy ang mambabatas ng hanggang sa araw ng Lunes na umuwi para sagutin ang mga paratang sa kaniya.