Nadagdagan pa ng 1,061 ang total ng COVID-19 cases sa Pilipinas, ayon sa Department of Health (DOH).
Kaya naman umakyat pa sa 435,413 ang kabuuang bilang ng mga tinamaan ng nakakahawang sakit sa buong bansa.
“13 labs were not able to submit their data to the COVID-19 Data Repository System (CDRS) on December 2, 2020.”
Ang Davao City pa rin at Quezon City ang nangunguna sa listahan ng mga lugar na may pinakamataas na bilang ng mga bagong kaso na nasa 92. Sumunod naman ang Rizal, Pampanga at lalawigan ng Quezon.
Nasa 27,642 pa ang mga active cases o nagpapagaling. Malapit naman nang sumampa ng 400,000 ang total recoveries matapos pang madagdagan ng 328 na bagong gumaling. Ang total ay nasa 399,325.
Ang total deaths naman nadagdagan din ng 10, kaya ang total ay nasa 8,446.
“5 duplicates were removed from the total case count. Of these, 5 were recovered cases. Moreover, 3 cases previously tagged as recovered were reclassified as deaths.”