Sumampa na sa higit 434,000 ang bilang ng COVID-19 sa Pilipinas, ayon sa pinakabagong report ng Department of Health (DOH).
Batay sa report ahensya, may 1,438 na mga bagong kaso ng sakit ang nadagdag sa bilang ngayong araw, kaya ang total ay umakyat pa sa 434,357.
“11 labs were not able to submit their data to the COVID-19 Data Repository System (CDRS) on December 1, 2020.”
Balik sa Davao City ang trono bilang may pinakamataas na bilang ng mga bagong kaso ng sakit na nasa 142. Sumunod ang Laguna (89), Quezon City (80), Lungsod ng Maynila (63), at lalawigan ng Pampanga (58).
Nadagdagan pa ang numero ng active cases na nasa 26,916. Pati na ang total recoveries na 95 na lang ang kulang para pumalo ng 400,000. Ngayong araw nadagdagan pa ito ng 232.
Habang 18 bagong nasawi dahil sa sakit ang nadagdag sa total deaths na ngayon ay 8,436 na.
“6 duplicates were removed from the total case count. Of these, 3 were recovered cases. Moreover, 6 cases previously tagged as recovered were reclassified as deaths.”