Balik sa higit 3,000 ang bilang ng mga bagong kaso ng coronavirus sa Pilipinas matapos ang halos isang linggo, batay sa pinakabagong datos ng Department of Health (DOH).
Ngayong araw nagtala ang kagawaran ng 3,190 new confirmed cases, kaya umakyat pa ang bilang ng mga kaso ng sakit sa 322,497.
Magugunitang noong September 28 nang huling umakyat sa lagpas 2,000 ang mga bagong COVID-19 cases sa 3,071.
Ayon sa ahensya, 15 laboratoryo ang bigong makapag-submit sa kanilang COVID-19 Depository System (CDRS). Ito ang unang beses na muling tumaas ang bilang ng mga pasilidad na hindi nakapagpasa ng report, mula sa mababang bilang na naitala sa nakalipas na linggo.
Batay sa report, 2,709 ng mga bagong kaso (85%) ang nag-positibo sa nakalipas na 14 na araw. Pinakamarami pa rin ang galing sa National Capital Region, na sinundan ng Rizal, Laguna, Cavite, at Bulacan.
“Of the 3,190 reported cases today, 2,709 (85%) occurred within the recent 14 days (September 21 – October 4, 2020). The top regions with cases in the recent two weeks were NCR (994 or 37%), Region 4A (579 or 21%) and Region 3 (305 or 11%).”
Samantala, ang mga active cases ay nasa 43,642. Malaki ang natapyas dito matapos ang ginawang Oplan Recovery ng ahensya.
Ngayong araw, 18,065 na mga bagong recoveries ang nadagdag sa total na umaabot na sa 273,079 na gumaling.
Habang 100 ang additional sa total deaths na 5,776.
“Of the 100 deaths, 16 occurred in October (16%), 57 in September (57%) 11 in August (11%) 12 in July (12%) 3 in June (3%) and 1 in May (1%). Deaths were from NCR (36 or 36%), Region 4A (28 or 28%), Region 6 (9 or 9%), Region 7 (7 or 7%), Region 5 (5 or 5%), Region 3 (3 or 3%), Region 8 (2 or 2%), Region 11 (2 or 2%), CARAGA (2 or 2%), Region 1 (1 or 1%), Region 10 (1 or 1%), Region 12 (1 or 1%), Region 4B (1 or 1%), and CAR (1 or 1%).”
Nagtanggal ang DOH ng 23 duplicates sa total case count, kung saan 13 ang recoveries at dalawa ang death case.
“Moreover, 19 cases previously tagged as recovered were reclassified as deaths after final validation.”















