-- Advertisements --

Inabsuwelto ng Supreme Court ang isang ina na nahatulan ng parricide matapos mapatunayang may schizophrenia siya noong naganap ang insidente.

Sa desisyon na isinulat ni Associate Justice Samuel H. Gaerlan, kinilala ng korte na ang mental state ng ina ay nag-alis sa kanya ng kakayahang maunawaan ang maling gawain.

Ang ina ay kinasuhan matapos tumalon sa tulay kasama ang kanyang limang taong gulang na anak na ikinamatay ng bata.

Ayon sa kanyang pahayag, wala siyang maalala sa insidente at nagkamalay lamang habang lumulutang sa tubig.

Isang psychiatrist mula sa National Center for Mental Health (NCMH) ang nagpatunay na siya ay may schizophrenia.

Bagaman pinagtibay ng RTC at Court of Appeals ang hatol na reclusion perpetua, binago ito ng Supreme Court.

Itinuring ng SC na exempting circumstance ang legal insanity at pinawalang-sala ang ina sa criminal liability.