-- Advertisements --

GOV’T AGENCIES LUMAGDA SA RULES PARA TULUYANG TAPUSIN ANG POGO

Lumagda ang mga ahensya ng pamahalaan sa bagong guidelines na layong tuluyang wakasan at pigilan ang pagbabalik ng Philippine Offshore Gaming Operators (Philippine Offshore Gaming Operators) sa bansa.

Pinangunahan ni Executive Secretary Ralph Recto sa Malacañang ang paglagda sa implementing rules ng Executive Order No. 74 ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na nagbabawal sa lahat ng POGO at internet gaming licensees (IGLs).

Ayon sa gobyerno, layunin ng patakaran na hindi lang isara ang operasyon kundi tugunan din ang epekto nito tulad ng human trafficking at scam hubs, habang pinapadali ang pag-seize ng assets at paghabol sa kaso.

Gagamitin ang iba’t ibang ahensya tulad ng DOJ, AMLC, at SEC para sa imbestigasyon at financial tracking ng mga sindikato.

Sinabi ng Palasyo na ito ay para matiyak na hindi na muling makababalik ang POGO sa anumang anyo. (report by Bombo Jai)