Mananatiling nasa ilalim ng Alert Level 1 ang buong National Capital Region (NCR) hanggang sa pagtatapos ng buwan ng Agosto batay sa pinakahuling advisory na inilabas ng Department of Health (DOH).
Ayon sa kagawaran, mananatiling nasa pinakamababang alert level classification ang Metro Manila hanggang sa Agosto 31 habang dalawang probinsya, at apat na bayan naman ang nadeescalate sa Alert Level 1.
Nangangahulugan ito na pahihintulutan ng pamahaalan na makapag-operate ng hanggang 100% na kapasidad ang mga establisiyementong nasa naturang alert level kabilang na ang pagsasagawa ng mass gatherings ngunit para lamang ito sa mga indibidwal na fully vaccinated.
Samantala, matatandaang una nang ipinahayag ni DOH officer-in-charge at Undersecretary Maria Rosario Vergeire na posible pang pumalo sa 10,000 ang bilang ng mga kaso ng COVID-19 sa bansa pagsapit ng buwan ng Oktubre.
Ito ay kahit na nakakita na rin ang kagawaran ng improvement sa figures ng mga kaso nito batay sa kanilang mga naitalang datos sa nakalipas na mga araw.
Dahilan kung patuloy naman ang panawagan ng mga kinauukulan, partikular na ang Department of Interior and Local Government (DILG) sa mga LGU na muling paigtingin pa ang ang pagpapatupad sa mga health and safety protocols laban sa nasabing sakit.