-- Advertisements --

Nangako ang Department of Health (DOH) na magbibigay sila ng tulong sa mga ospital sa probinsya na malapit nang mapuno sa harap nang pagsirit ng COVID-19 cases sa bansa.

Sinabi ni Health Undersecretary Leopoldo Vega, nakipag-ugnayan na ang DOH sa management ng mga ospital sa Cagayan de Oro, probinsya ng Cagayan, at Cebu.

Inabisuhan aniya ng DOH ang mga ospital na ito na magdagdag ng marami pang COVID-19 beds, mga gamot, at kagamitan sapagkat bibigyan sila ng karagdagang pondo para sa mga ito.

Magbibigay din aniya ang DOH ng mga ventilators, high-flow oxygen machines, at karagdagang healthcare workers.

Sinab ni Vega na sa ngayon ay patuloy na nakabantay ang DOH sa sitwasyon sa iba’t ibang ospital sa bansa.