-- Advertisements --

Nakapagtala muli ng mataas na bilang ng COVID-19 recoveries ang Department of Health (DOH) ngayong araw dahil sa 82 na pasyenteng bagong gumaling.

Batay sa inilabas na case bulletin ng DOH nitong hapon, tuluyan nang umangat ang total na bilang ng recoveries na nasa 435.

Ayon Dr. Beverly Ho ng Health department, posibleng dumami pa ang bilang ng recoveries dahil ang kasali pa lang daw sa bilang ay yung mga gumaling na confined patients at naka-home isolation.

Hindi pa raw kasali datos ang mga tinatawag ng “clinically recovered patients” o yung mga pasyenteng pinawui ng doktor at pinag-home quarantine.

Ang numero naman ng mga namatay ay 362 na bunsod ng 13 new reported deaths.

May kabuuan nang 5,660 ang confirmed cases ng COVID-19 sa Pilipinas dahil sa 207 na bagong naitalang kaso.

Sa bagong inilabas naman na data ng DOH tungkol sa tests, may 42,215 indibidwal nang sumailalim sa COVID-19 testing.

Ang 6,188 daw sa mga ito ay nag-positive, samantalang negatibo ang resulta ng sa 35,985.

Ayon naman sa presentation ni Usec. Lilibeth David sa House Committee nitong araw, sinabi nito na nasa 48,171 samples na ang na-test. Kabilang daw sa mga ito ang repeated tests.

Ang porsyente raw ng positive patients sa ngayon ay 14.66-percent.