-- Advertisements --
Umabot sa 5,675 ang panibagong COVID-19 cases na naitala sa buong bansa ngayong araw.
Ayon sa Department of Health (DoH), nakapag-record din sila ng 96 na panibagong nasawi, habang 7,552 naman ang mga gumaling.
Sa kabuuan ng mga naitalang kaso, 3.4% (49,968) ang aktibo, 94.8% (1,391,335) na ang gumaling at 1.76% (25,816) ang namatay.
Ayon pa sa kagawaran, lahat ng mga laboratoryo ay operational noong July 8, 2021, habang mayroong tatlong laboratoryo ang hindi nakapagsumite ng datos sa COVID-19 Document Repository System (CDRS).
Base sa ulat sa nakaraang 14 na araw, ang kontribusyon ng tatlong laboratoryong iyon ay humigit kumulang 0.7% sa lahat ng samples na naitest at 0.4% sa lahat ng positibong mga indibidwal.