-- Advertisements --

Nilinaw ng Department of Health (DOH) ang anunsyo nito hinggil sa mga “emerging hotspots” ng COVID-19 sa Metro Manila.

Sa isang statement, inamin ng Health department ang pagkakamali sa anunsyo sa Marikina, Muntinlupa, Makati at Quezon City bilang mga hostspots ng sakit sa National Capital Region (NCR).

Ayon sa ahensya, ang nabanggit na mga datos sa virtual presser nitong Lunes ay batay pa sa report noong nakaraang buwan.

“We are thankful to report that, as of July 5, the mentioned cities show a significant decline in case growth, as follows: Marikina (decreased by 68%); Muntinlupa (decreased by 10%); Makati (decreased by 4%).”

“We are closely monitoring Quezon City which has shown an increase by 34%.”

Humingi ng paumanhin ang DOH sa pagkakamali sa ulat, at nangako ng doble-kayod para mas bago at angkop ang kanilang mga ilalabas na report.

Inanunsyo kasi ni Health Usec. Maria Rosario Vergeire na may 41.43-percent growth rate sa Marikina; 35.16-percent sa Muntinlupa; 34.5-percent sa Quezon City; at 30.18-percent sa Makati.

Ang mga porsyentong ito raw ay katumbas ng mataas na bilang ng mga bagong kaso sa mga nasabing lugar.

“We apologize for the confusion. This is our up to date record. We will redouble our efforts to keep our reports as current as possible.”

Una nang sinabi ni Vergeire na kahit mabagal ay may nakikitang pagbagal sa pagdami ng COVID-19 cases sa buong Visayas.

“But we must continue to monitor the area if the decrease will be sustained.”

Ipinatigil muna ng DOH sa kanilang Epidemiology Bureau ang pag-anunsyo ng mga “emerging hotspots” dahil sa naging reaksyon ng ilang local governments sa Mindanao, bunsod ng pagkakasali ng kanilang mga lugar sa listahan.