-- Advertisements --

Kinumpirma ng Department of Health ang local transmission nang bago at mas nakakahawa na variant ng COVID-19 sa Bontoc, Mountain Province.

Sa isang statement, sinabi ng DOH na mayroong local transmission ng B.1.1.7 variant ng SARS-CoV-2 sa bayan ng Bontoc.

Subalit wala aniyang “strong evidence” na mayroon nang community transmission base na rin sa depinisyon ng World Health Organization (WHO).

Ayon sa WHO, nagkakaroon lamang ng community transmission kung malaki ang bilang ng mga naitatalang kaso, nagkakaroon ng case clusters sa iba’t ibang lugar, at kung hindi na maiuugnay ang mga kasong ito sa sources ng infection.