-- Advertisements --

Patuloy na mino-monitor ng Department of Health ang presyo ng mga gamot dahil sa krisis sa langis dulot ng tensyon sa Gitnang Silangan, ngunit tiniyak na sapat pa ang suplay sa bansa.

Ayon kay Health Secretary Ted Herbosa, posibleng tumaas ang presyo ng gamot at iba pang produkto sa mga susunod na panahon dahil sa pagtaas ng gastos sa produksyon at logistics, lalo’t marami sa mga medical supply ay inaangkat mula pa sa ibang bansa.

Gayunman, may nakahandang stockpile ng gamot para sa mga ospital at publiko kaya wala pang naitatalang kakulangan.

Tiniyak din ng DOH na tuloy-tuloy ang serbisyong pangkalusugan, bagama’t inaasahang tataas ang gastusin ng mga mamamayan sa pagbili ng gamot sa mga botika.