-- Advertisements --

Binawi na ng Department of Health (DOH) ang utos nitong deployment ng Doctor to the Barrios (DTTB) sa Cebu City bilang dagdag pwersa sa kritikal nang health system capacity ng lungsod.

Ayon kay Health Usec. Maria Rosario Vergeire, para sa mga magbo-boluntaryong rural health physicians na lang ang deployment para hindi na lumobo pa ang issue at agad matugunan ang pangangailangan ng Cebu City.

Marami yung nag-refuse (na DTTBs) and it is quite disheartening because nasa public health emergency tayo and sana yung committment ng ating mga government workers are there. But nevertheless, nakipag-dialogue tayo again with them and now ang ating recourse would be this would all be voluntary.”

Target daw sana ng ahensya na mag-deploy ng 40 DTTB kada batch, na magro-rotate sa serbisyo kada dalawang linggo. May hiwalay din silang dalawang linggo na quarantine bago bumalik sa deployment.

Ang Western Visayas, may nakahanda na raw sanang 26 na doktor pero dahil sa nasabing development ay ngayong araw pa malalaman kung ilan ang bilang ng rural health physicians na magiging dagdag pwersa ng mga ospital sa Cebu City.

“Mayroon siyang initial na 37 na idedeploy, pero nung further na pakikipagusap sa kanila they found na tatlo pala yung buntis. Tapos may ibang areas na parang walang maiiwan na doktor pag umalis sila so hindi na rin natin sinama. So we are left with 26 na listahan sa kanila.”

“Pero as of turn of events, maraming mga issues pa ang lumabas, so it was decided that it’s just to be voluntary for now. And we are still finalizing kung ilan talaga doon sa mga doctors ang mga ready na to be deployed.”

Paliwanag ni Usec. Vergeire, hindi lang ang mga DTTBs ang health workers na sinusubukan nilang i-deploy ngayong pandemic.

“Ito ay isang move ng DOH because we are trying to exhaust our resources. Mayroon tayong deployment programs kung saan nandyan yung nurses (deployment program), Doctors the Barrios, mayroon din kaming specialists na naka-deploy sa iba’t-ibang bansa.”

Sa ngayon marami na raw health care workers ang nabigyan ng trabaho sa ilalim ng emergency hiring program ng DOH. Karamihan sa mga unang na-hire ay na-deploy sa Philippine General Hospital, Lung Center of the Philippines, at Dr. Jose N. Rodriguez Hospital na mga unang COVID-19 hospitals.

“Mayroong specific na number of alloted slots (of emergency hired healthcare workers) for Cebu… and also ngayon nagkukuha kami ng listahan from all hospitals in the country kung saan may extra silang plantilla positions para lang maipahiram muna sa mga areas na nangangailangan for this response sa ating bansa.”

Nilinaw naman ng opisyal na hindi hahawak ng COVID-19 patients ang mga maglilingkod na DTTBs.

“Hindi sila ilalagay doon sa mga areas na like operating room, yung mga may specialization na kailangan. They would be supplement sa kanilang triage areas, outpatient units.”

Sa deployment ng DTTBs sa Cebu City, prayoridad raw na mabigyan ng dagdag na pwersa ang health system capacity ng public hospitals.