Sumirit pa sa 373,144 ang kabuuang bilang ng mga tinamaan ng COVID-19 cases sa Pilipinas, ayon sa Department of Health (DOH).
Batay sa pinakabagong case bulletin na inilabas ng ahensya, nadagdagan pa ng 1,524 ang total ng coronavirus cases sa bansa. Kaya naman ang active cases ay nasa 37,489 pa.
May 15 laboratoryo raw na hindi nakapag-submit ng report kahapon.
Ayon sa DOH, mula sa 19,677 na bilang ng mga tinest as of 12:00PM nitong Lunes, nasa 1,473 ang nag-positibo. Katumbas nito ang 7.5% na positivity rate para sa petsang October 25.
Pinakamaraming nai-report na bagong COVID-19 cases ang galing sa Negros Occidental na nasa 115. Sinundan ng Cavite, Benguet, Quezon City at Laguna.
Samantala, 353 naman ang mga bagong nai-report na gumaling kaya ang total recoveries ay 328,602. Ang total deaths, nadagdagan pa ng 14 kaya umakyat din sa 7,053 ang kabuuang bilang.
Nagtanggal ang Health department ng 10 duplicates sa total case count. Ang apat daw sa mga ito ay mula sa hanay ng recoveries.
Habang limang recovered cases ang pinalitan ng tagging matapos matukoy sa validation na sila ay mga patay na.