-- Advertisements --

Pumalo na sa 217,396 ang kabuuang bilang ng tinamaan ng COVID-19 sa Pilipinas batay sa pinakabagong case bulletin ng Department of Health (DOH).

Nakasaad sa datos ng ahensya na 4,284 na mga bagong kaso ang nadagdag, dahil sa submission ng 100 mula sa 110 laboratoryo.

Binubuo ang mga dagdag na bagong kaso nang 1,906 mula National Capital Region; 758 mula Calabarzon, 287 mula sa mga returning overseas Filipinos, at iba pa.

“Of the 4,284 reported cases today, 3,779 occured within the recent 14 days (August 17 – August 30).”

Ang bilang ng mga aktibong kaso o nagpapagaling pa ay nasa 56,473.

Samantala, dahil sa tuloy-tuloy na implementasyo ng Oplan Recovery, umabot sa 22,319 ang nadagdag sa kabuuang numero ng mga gumaling. Ang total recoveries ngayon ay 157,403.

May 102 namang dagdag sa total deaths, na ngayon ay nasa 3,520 na.

Ayon sa DOH, 19 duplicates ang kanilang tinanggal mula sa total case count, kung saan lima ang recoveries, habang isa ang patay.

“Moreover, there were twelve cases that were previously reported as recovered but after final validation, they were deaths.”