-- Advertisements --

Pumalo na sa 4,195 ang kabuuang bilang ng mga kaso ng coronavirus disease (COVID-19).

Batay sa pinakahuling datos na inilabas ng Department of Health (DOH), nadagdagan ng 119 ang bilang ng panibagong kaso ng mga nagpositibo sa sakit.

Samantala, nadagdagan ng 18 ang bilang ng mga namatay sa deadly virus, dahilan para umakyat pa ang death toll sa 221.

Habang ang bilang naman ng mga gumaling sa sakit ay lumobo pa sa 140 dahil sa 16 na bagong nagdagdag.