LOOK: DOH COVID-19 CASE BULLETIN #201 As of 4PM today, October 1, 2020, the Department of Health reports the total…
Posted by Department of Health (Philippines) on Thursday, October 1, 2020
Nadagdagan pa ng 2,415 ang bilang ng COVID-19 cases sa Pilipinas batay sa pinakabagong ulat ng Department of Health (DOH). Umakyat na ang total ng confirmed cases sa 314,079.
Batay case bulletin ng ahensya, pitong laboratoryo ang hindi nakapag-submit ng kanilang mga report sa COVID-19 Data Repository System kahapon.
“Of the 2,415 reported cases today, 2,010 (83%) occurred within the recent 14 days (September 18 – October 1, 2020). The top regions with cases in the recent two weeks were NCR (727 or 36%), Region 4A (450 or 22%) and Region 3 (162 or 8%).”
Ang numero ng active cases o mga nagpapagaling pa ay nasa 54,294.
Samantala, may 771 namang nadagdag sa total recoveries na ngayon ay umakyat pa sa 254,223. Habang 59 ang additional sa total deaths na 5,562.
“Of the 59 deaths, 37 occurred in September (63%), 10 in August (17%) 9 in July (15%) 1 in June (2%) and 2 in April (3%). Deaths were from NCR (26 or 44%), Region 7 (7 or 12%), Region 6 (6 or 10%), Region 1 (5 or 8%), Region 9 (4 or 7%), Region 10 (3 or 5%), Region 4A (3 or 5%), Region 5 (2 or 3%), CARAGA (2 or 3%), and Region 3 (1 or 2%).”
Ayon sa DOH, 30 duplicates ang kanilang tinanggal sa listahan, kung saan 19 ang recoveries at isa ang death case.
“Moreover, 17 cases previously tagged as recovered were reclassified to deaths after final validation.”