Umakyat pa sa 326,833 ang kabuuang bilang ng COVID-19 cases sa Pilipinas, batay sa pinakabagong ulat ng Department of Health (DOH).
Nadagdagan ang mga kaso ng sakit nang 2,093, kasabay nang pag-akyat sa bilang ng mga laboratoryo na bigong makapagpasa ng report kahapon na nasa 20.
“Of the 2,093 reported cases today, 1,741 (83%) occurred within the recent 14 days (September 23 – October 6, 2020). The top regions with cases in the recent two weeks were Region 4A (472 or 27%), NCR (431 or 25%) and Region 6 (238 or 14%).”
Samantala, nasa 47,655 ang active cases o mga nagpapagaling. Ang recoveries, nadagdagan din ng 209 kaya ang total ay nasa 273,313.
Habang ang total deaths ay nasa 5,865 na dahil sa additional na 25.
“Of the 25 deaths, 9 occurred in October (36%), 15 in September (60%) and 1 in August (4%). Deaths were from NCR (9 or 36%), Region 4A (6 or 24%), CARAGA (3 or 12%), Region 3 (1 or 4%), Region 5 (1 or 4%), Region 7 (1 or 4%), Region 9 (1 or 4%), Region 10 (1 or 4%), and BARMM (1 or 4%).”
Nagtanggal ang DOH ng 22 duplicates, kung saan 11 ang mula sa recoveries. May walong recovered cases din na pinalitan ng tagging matapos matuloy na lahat sila ay patay na.
















