Aabot sa halos 3,000 bagong kaso ng COVID-19 ang nadagdag sa listahan ng Department of Health (DOH). Ngayong araw, 2,996 ang additional cases, kaya umakyat pa ang total sa 334,770.
Ayon sa ahensya, 12 laboratoryo ang bigong mag-sumite ng kanilang report sa COVID-19 Data Repository System.
“Of the 2,996 reported cases today, 2,554 (85%) occurred within the recent 14 days (September 26 – October 9, 2020). The top regions with cases in the recent two weeks were NCR (980 or 38%), Region 4A (621 or 24%) and Region 6 (279 or 11%).”
May ilan din na noong pang Marso hanggang Agosto nag-positibo pero kahapon lang nai-report ng mga laboratoryo.
Sa ngayon, may 53,311 pa na mga aktibong kaso ang nagpapagaling.
Ang total recoveries, umakyat din sa 275,307 dahil sa 1,045 na nadagdag sa listahan. Habang 83 ang additional sa total deaths na ngayon ay nasa 6,152.
“Of the 83 deaths, 33 occurred in October (40%), 39 in September (47%) 5 in August (6%) 3 in July (4%) 2 in June (2%) and 1 in May (1%). Deaths were from NCR (38 or 46%), Region 4A (9 or 11%), Region 7 (8 or 10%), Region 1 (6 or 7%), Region 3 (6 or 7%), Region 12 (4 or 5%), Region 9 (3 or 4%), Region 6 (2 or 2%), Region 8 (2 or 2%), Region 11 (2 or 2%), Region 5 (1 or 1%), and BARMM (1 or 1%).”
Nagtanggal ang DOH ng 95 duplicates mula sa total case count, at 21 sa mga ito ang mula sa tally ng mga gumaling.
Samantalang 35 recovered cases ang pinalitan ng tagging matapos matukoy sa validation na lahat sila ay patay na.
















