QC quarantine site tent evacuees COVID people
-- Advertisements --

Pumalo sa 4,387 ang mga bagong kaso ng COVID-19 sa Pilipinas ngayong araw.

Sa inilabas na datos ng Department of Health (DOH), lumobo pa sa 635,698 ang kabuuang bilang ng mga nagpopositibo sa coronavirus sa bansa.

Ito na ang ikaanim na sunod na araw na lumampas sa 4,000 ang mga bagong kaso ng COVID-19 na naitatala sa loob ng isang araw.

Nasa 61,733 naman ang mga active cases o mga nagpapagaling.

Halos 97% naman sa mga ito ang mild o asymptomatic cases.

-- Advertisement --

Nadagdagan naman ng 374 ang mga bagong gumaling, kaya umabot na sa 561,099 ang mga recoveries.

Habang ang death toll ay nasa 12,866 na makaraang madagdagan ng 18.