-- Advertisements --


Inatasan ng Department of Energy (DOE) ang mga kumpanya ng langis na panatilihin ang sapat na imbentaryo ng produktong petrolyo sa gitna ng patuloy na pagtaas ng tensyon sa Middle East, partikular sa nangyayaring sigalot sa pagitan ng Israel at Iran.

Ayon kay DOE Officer-in-Charge Sharon Garin, dapat tiyakin ng mga oil firms na may 30-araw na suplay ng krudo at 15-araw na imbentaryo ng mga refined petroleum products. Ito ay upang mapanatili ang matatag na imbentaryo ng mga langis at maiwasan ang kakulangan sakaling lumala pa ang krisis sa rehiyon.

Kasabay nito, handa rin ang DOE na ipatupad ang mga ayuda at subsidiya ng pamahalaan na umiiral na batas, gaya ng TRAIN Law, sakaling umabot sa $80 kada barrels ang presyo ng langis sa pandaigdigang merkado.

Samantala, patuloy ang mahigpit na ginagawang monitor ng DOE sa mga oil depot at global oil prices upang makapagpatupad agad ng mga angkop na hakbang para protektahan ang mga konsumer at mga apektadong sektor gaya ng transportasyon at agrikultura.