-- Advertisements --

Sinulatan na ng Department of Energy (DOE) ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) para ipaalala na hindi kabilang ang mga electric vehicles maging full o hybrid man sa number coding system.

Ayon sa DOE na ang nasabing hakbang ay nasa ilalim ng Electric Vehicle Industry Development Act sa loob ng walong taon mula ng maging epektibo ang nasabing batas.

Dagdag naman ni DOE Director Atty. Patrick Aquino na mayroong 24,000 na mga e-vehicle ang nakarehistro sa Land Transportation Office (LTO).

Aabot naman sa kabuuang 14.6 milyon ang kabuuang nairehisrong sasakyan noong 2024.

Paglilinaw naman nito na hindi apektado ang mga electric na sasakyan kapag sinimulan na ang pagsasaayos ng EDSA.