Isinusulong ngayon ni Department of National Defense (DND) Secretary Gilberto Teodoro ang pagpapalakas sa mga komunidad sa pamamagitan ng critical adaptation strategies.
Layon nito na mas gawing epektibo ang mga pagtugon ng pamahalaan sa mga pangangailangan ng publiko tuwing may kalamidad.
Paliwanag pa ni Teodoro, sapat ang nagiging pagaksyon ng pamahalan sa pagtukoy kung anong mga lugar ang nanganganib o mayroong nakaambang panganib sa mga sakuna mula sa maaaring pagputok ng bulkan, daluyong, pagbaha at lindol.
Samantala, patuloy naman na nakikipagugnayan ang National Disaster Risk Reduction Management Council (NDRRMC) sa mga katuwang na ahensya partikular na sa mga himpilan na mayroong specialized expertise sa isang epektibong pagtugon sa mga panahon ng kalamidad.
Binigyang diin rin ng kalihim ang importanteng partisipasyon ng Department of Interior and Local Government (DILG) sa pagpapaigting ng local response capacity bilang mga frontliners sa panahon ng sakuna.