-- Advertisements --

Ipinaliwanag ni Department of Migrant Workers Secretary Hans Cacdac na ang dahilan ng pagtanggal sa pwesto kay dating Overseas Workers Welfare Administration administrator Arnell Ignacio ay dahil sa kawalan ng tiwala at kumpyansa.

Ayon kay Cacdac, ito ay mag kaugnayan sa isang deal hinggil sa pagbili ng lupa na nagkakahalaga ng P1.4-billion na walang pag-aproba mula sa OWWA board.

Nilinaw ng kalihim na hindi nagbitiw sa pwesto si Ignacio sa halip ay kusa itong pinatalsik sa pwesto dahil sa umano’y ma anomalyang P1.4 billion land acquisition deal.

Wala pang tugon ang kampo ni Ignacio sa naging pahayag na ito ng DMW official.

Giit ni Cacdac na kailangan ng approval mula sa board para sa lahat ng mga kasunduang papasukin ng OWWA.

Nilalayon sana ng naturang land acquisition deal ay para sa accommodation ng mga OFWs na hindi naman na kinakailangan ayon sa kalihim.

Si DMW Undersecretary Patricia Caunan ang pumalit sa pwesto na nabakante ni Ignacio.