Pabirong hinamon ni tennis star Novak Djokovic sa paglalaro ng basketball si Los Angeles Lakers star LeBron James.

Sa kaniyang Twitter account, nagpost ng video ang 17-time Grand Slam winner ng paglalaro ng basketball.

Humanga naman ang NBA star sa galing din na paglalaro ng basketball ni Djokovic.

Kung saan ni-retweet naman nito ng James ang Tweet ng tennis star.

Umani naman ng maraming paghanga mula sa mga fans ng dalaawa ang biruin nila.