-- Advertisements --

Pasok na sa French Open finals ang Defending champion na si Carlos Alcaraz.

Kasunod ito sa tuluyang pagretiro sa laro ni Lorenzo Musetti matapos ang ikaapat na set ng kanilang semifinals.

Hawak na ng Spanish tennis star ang kalamangan 4-6 7-6 (7-3) 6-0 2-0 ng biglang nagpasya ang Italian tennis player na itigil ang laro dahil sa injury.

Kinailangan kasi ng eight-seeded na si Musetti na magpagamot ng kaniyang binti dahil sa ikatlong round.

Target ni Alcaraz na muling makuha ang kampeonato sa French Open ngayong taon.

Dahil dito ay makakaharap niya sa finals ang sinumang manalo sa pagitan nina Novak Djokovic at Jannik Sinner.