-- Advertisements --

Isinara ang Disneyland sa Shanghai, China matapos na magpositibo sa COVID-19 ang isa sa mga bisita na nagtungo sa lugar.

Sinimulan ang pagsasara mula Nobyembre 1 hanggang 2.

Lahat aniya ng mga bisita at staff ay kanilang isinailalim sa COVID-19 testing.

Base sa ulat, pagkauwi ng isang indibidwal sa ibang rehiyon ay doon na lamang lumabas na nagpositibo ito sa COVID-19.

Lahat naman ng mga bisita sa araw na iyon at mga staff ay nagnegatibo sa COVID-19.

Target kasi ng China na wala ng maitalang COVID-19 sa pagsisimula ng Winter Olympics sa buwan ng Pebrero.