Ipinagmalaki na inulat ng Presidential Communications Office na nagbunga ng magandang resulta ang direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr na habulin at papanagutin ang mga tax evaders.
Isang malaking kumpanya ng kilalang cosmetic ang nasampulan ng Bureau of Internal Revenue.
Sa ulat na ipinarating sa Presidential Communications Office, isinampa ang criminal complaint sa isang malaking cosmetic companies.
Nag- ugat ang reklamo hinggil sa umanoy kabiguan ng kumpanya na mabayaran ang tax deficiency nito na aabot sa mahigit P9 million mula 2018 Hanggang 2021.
Base sa impormasyong nakarating sa PCO, napag-alaman sa BIR records of investigation na pinalabas ng nabanggit na kumpanya na Marami Silang ginawang purchases mula sa nasabing peryodo.
Pero ang katotohanan ay Wala umanong transaksiyong Nakita SA record at ang umanoy ginawang purchases ay ibinase sa non-existent goods/services mula sa isang Ghost Company.
Mahigpit ang bilin ng Pangulo Kay Finance secretary Ralf Recto na habulin Ang MGA tax evaders na inilarawan ng Presidente na ginawa ng Isang business ang paglusot sa pagbabayad ng buwis.