-- Advertisements --

Nakahanda ang Department of Foreign Affairs (DFA) na araw-arawin ang paghahain ng diplomatic protest, kung patuloy na maaantala ang pag-alis ng mga barko ng China sa Julian Felipe Reef sa West Philippine Sea.

Ayon sa dalawang pahinang pahayag ng ahensya, sa kada araw ng pananatili ng mga dayuhang barko, ipoprotesta nila ito para igiit ang pagmamay-ari sa nasabing bahagi ng karagatan, lalo’t pasok ito sa exclusive economic zone (EEZ).

“For every day of delay, the Republic of the Philippines will lodge a diplomatic protest,” saad ng pahayag mula sa DFA.

Samantala, ipinatawag din DFA ang mga opisyal ng Chinese embassy dahil sa mga pahayag na umano’y “unprofessional” si Defense Secretary Delfin Lorenzana kaugnay sa isyu ng pagpapaalis sa mga barkong nasa loob ng Philippine territory.

Pinaalalahanan ng DFA ang mga opisyal ng embahada na sila ay bisita lang ng gobyerno ng Pilipinas at bilang mga bisita ay dapat sumunod sila sa protocol na naaayon sa respeto sa mga opisyal ng bansa.