-- Advertisements --

Tahasang kinontra ni Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) Governor Benjamin Diokno ang resulta ng Social Weather Stations (SWS) survey na nagsasabing 40 percent ng mga Pilipino ang naniniwalang mas masama pa ang ekonomiya ng bansa makalipas ang 12 buwan mula ngayon.

Sinabi ni Gov. Diokno, ang SWS survey ay persepsyon lang ng nasa 2,000 tinanong na malamang sa pamamagitan lamang ng telepono dahil wala pang face-to-face interview.

Ayon kay Diokno, malabong mangyari ang nasabing survey result lalo pa’t unti-unti ng binubuksan ang ekonomiya sa pamamagitan ng pagluluwag sa mga quarantine restrictions.

Sa ngayon daw ay may aktibidad na ang mga industriya o mga negosyong nagsimula ng bumalik sa operasyon.

Inaasahan nga daw ni Diokno na lalo pang gaganda ang ekonomiya ng bansa sa fourth quarter at naniniwala siyang magiging masaya ang Pasko.

Kaya nga daw siya nagsimula ng magpa-decor sa BSP para magsimula ng maramdaman ang Christmas spirit.