-- Advertisements --

Pinayuhan ngayon ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang mga local government units (LGUs) sa National Capital Region (NCR) na iendorso ang mga mild at asymptomatic patients na hindi na nila kayang i-accommodate sa Oplan Kalinga isolation facilities.

Sinabi ni Interior Sec. Eduardo Año, nasa humigit-kumulang sa 4,000 beds ang available sa Oplan Kalinga facilities dahil sa pagtaas ng bilang ng mga discharges o recoveries sa nagdaang mga linggo.

Ayon kay Sec. Año, ito ay pagtalima sa IATF Resolution No. 74 kung saan lahat ng kumpirmadong mild at asymptomatic COVID-19 patients ay obligadong ma-isolate sa mga government-approved facilities maliban sa mga vulnerable o mayroong comorbidities na sertipikado ng isang local health officer.

Magugunitang isa sa itinuturong sanhi ng pagtaas ng bilang ng COVID-cases lalo sa Metro Manila ang home isolation o quarantine ng mga mild at asymptomatic patients kung kaya nagkahawaan sa loob ng bahay at komunidad.

“We urge all Metro Manila LGUs to endorse patients which they can no longer accommodate in their local isolation facilities, to endorse them to the Mega TTMFs and Oplan Kalinga Hotels which now has some 4,000 beds available because many have already been discharged,” ani Sec. Año.