-- Advertisements --

Nabigyang-diin ang kahalagahan ng digital transaction sa gitna ng nararanasang hamon ng COVID-19 sa Pilipinas.

Sa Pre-SONA forum, sinabi ni Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) Governor Benjamin Diokno na noong kasagsagan ng lockdown, simula Abril hanggang Mayo aty tumaas sa 325 percent ang volume ng transaksyon sa PESONet at 57 percent naman sa Instapay.

Ang Instapay at PESONet ay kapwa ginagamit para sa fund transfer.

Ayon kay Gov. Diokno, habang umiiral ang lockdown, bumaba naman ang mga tumangkilik sa check payment at ATM withdrawals.

Kaugnay nito, hinihikayat ni Gov. Diokno ang publiko na gumamit ng electronic payments dahil napabibilis nito ang mga financial transactions at mas convenient ito para sa publiko.