-- Advertisements --

Naglabas ng Earthquake Information ang Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) matapos maitala ang isang lindol sa Occidental Mindoro ngayong Agosto 7, 2026, alas‑10:38 ng umaga.

Ayon sa ulat, may magnitude na 5.4 ang lindol na tectonic ang pinagmulan at may lalim na 14 kilometro.

Natukoy ang lokasyon nito sa 13 kilometro timog‑kanluran ng Mamburao, Occidental Mindoro.

Naitala ang Intensity V sa Mamburao, Occidental Mindoro at sa ilang bayan ng Oriental Mindoro gaya ng Calapan, Naujan, Puerto Galera, San Teodoro, at Victoria.

Intensity IV naman ang naramdaman sa Taal, Batangas at sa ilang bayan ng Occidental Mindoro.

Habang Intensity III ang naitala sa Quezon City, Batangas City, General Trias sa Cavite, at San Pedro sa Laguna. Samantala, Intensity II ang naramdaman sa Parañaque, Santa Cruz sa Laguna, at ilang bayan sa Quezon

Nasa Intensity I naman ang naitala sa Caloocan, Malabon, Navotas, Bulacan, Cavite, Batangas, Laguna, Quezon, at Romblon.

Nagbabala ang Phivolcs na inaasahan pa ang mga aftershocks, kaya’t pinapayuhan ang publiko na manatiling alerto at sumunod sa mga abiso ng lokal na pamahalaan.