-- Advertisements --
Naghain ng diplomatic protest ang Pilipinas dahil sa panibagong paghamon ng mga barko ng China sa West Philippine Sea.
Ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA) nagpatunog ng mga sirena, nagbusina at naglabas pa ng 200 radio challenges ang mga barko na pag-aari ng China laban sa mga nagpapatrolyang barko ng Pilipinas.
Dagdag pa ng DFA, ang hakbang na ginawang ito ng barko ng China ay banta sa maayos at mapayapang sitwasyon sa West Philippines Sea.
Magugunitang noong nakaraang mga buwan ay naghain na rin ang Pilipinas ng diplomatic protest dahil umabot sa ilang daang mga barko ng China ang nakitang naglalayag sa bahagi ng West Philippine Sea.