Iniulat ng Department of Foreign Affairs (DFA) na walang Pilipino ang nasugatan sa tumamang magnitude 5.7 na lindol sa Bangladesh.
Ayon sa ahensiya, mayroong 785 Pilipino ang nakabase sa Bangladesh kung saan nasa 200 hanggang 300 ang naninirahan sa kapital ng Dhaka.
Sa isang statement, sinabi ng DFA na kasalukuyan ng minomonitor ng Embahada ng Pilipinas sa Dhaka ang epekto ng malakas na lindol, na ang episentro ay nasa pitong kilometro mula sa Ghorashal, Narsingdi District, Dhaka Division.
Sa ngayon, wala pang natanggap ang embahada na anumang ulat na Pilipinong nasugatan o naapektuhan ng lindol.
Kaugnay nito, pinapayuhan ng mga opisyal ng Pilipinas sa Dhaka ang mga Pilipinong nasa Bangladesh na manatiling kalmado at mapagmatiyag at imonitor ang updates sa mga mapagkakatiwalaan lamang at kumpirmadong source ng impormasyon.
Pinayuhan din ang mga Pilipino na tumawag sa hotline ng embahada kung kinakailangan ng assistance.
Base sa report, may tatlong katao na ang napaulat na nasawi at may ilang nasugatan sa pagtama ng lindol.
















