Dadaluhan nina Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at Indonesian President Joko Widodo ang paglagda sa komprehensibong plan of action 2022-2027 kung saan nakapaloob ang daang tatahakin ng bilateral cooperation ng dalawang bansa.
Ayon kay Foreign Affairs Spokesperson Teresita Daza, kabilang sa mga lalamanin ng planong ito ay ay bilateral commitment ng dalawang bansa sa usapin ng seguridad, defense, border management, counter terrorism, ekonomiya, eherhiya at maritime affairs.
Kabilang rin dito ang bilateral cooperation sa linsya ng kultura, edukasyon, labor, health, at iba pang consular matters.
Inaasahan rin na sa pagbisita ng pangulo sa Indonesia, maisusulong ang renewal ng 1997 agreement cooperation activities, para sa pagsusulong pa ng defense and security ng bansa.
Ilan sa mga kolaborasyon isinusulong sa ilalim nito ay ang infomation sharing, joint and combined training activities, exchange of visits, kooperasyon ng defense establishements, at iba pa.
May pakikipag-usap din ang punong ehekutibo sa Pilipino community at ilang negosyante.
Maliban sa Indonesia at Singapore trip, inaasikaso na rin ng pamahalaan ang US travel nito para sa UN General Assembly.