-- Advertisements --

GENERAL SATOS CITY – Sugatan ang isang pulis matapos sumabog sa loob ng presinto ang isang recovered grenade na itinurn-over ng isang tanod.

Agad namang dinala sa pagamutan ang biktimang si Cpl. Santon Cahil ang desk Officer sa Bula Police Station.

Ayon kay Police Major Abdul Sallam Mamalinta hepe ng Bula Police Station, alas-4:00 ng hapon nang dinala sa kanilang presinto ang isang MK3A2 grenade sa pamamagitan ng isang barangay tanod.

Nang magsimula ng kumuha ng dokomento ang desk officer ay inilagay nito ang granada sa isang mesa malapit sa nasabing pulis at bigla itong sumabog.

Hindi naman nabanggit ni Mamalinta kung saan tinamaan ang nasabing desk officer habang sinabi nitong ang sumabog ay ang blasting cap lamang ng nasabing granada.

Kaagad namang kinordon ang paligid ng Bula Police Station at nag-divert ng trapiko habang ginagawa ang imbestigasyon.

Marami din ang nakakita sa basag na salamin ng harapan ng presintong timanaans sa pagsabog.