Mike Romero
Rep. Mike Romero

Susundin na lamang ng Party-list coalition sa Kamara ang magiging desisyon nina Pangulong Rodrigo Duterte at Presidential Daughter Mayor Sara Duterte-Carpio sa kung sino ang magiging susunod na lider ng Kamara.

Sa pulong balitaan sa Kamara, sinabi ni 1-Pacman Rep. Michael Romero, ang presidente ng Party-list Coalition, na mahihirapan silang hindi sundin ang magiging desisyon ng Pangulo sa oras na may napili na itong kandidato para sa speakership post sa 18th Congress.

“This morning is a numbers game, this is the House of Representatives, kung anong piliin ng Presidente tingin ko naman ‘yan ang mapipili rin dito, so we will abide,” dagdag pa nito.

Samantala, aminado naman si Deputy Speaker Sharon Garin na “vital” ang opinyon ng presidential daughter sa naturang usapin.

Kabilang sa mga nagnanais na maging Speaker sa 18th Congress ay sina Marinduque Rep. Lord Velasco mula sa Partido Demokratiko Pilipino–Lakas ng Bayan (PDP-Laban), Taguig-Pateros Rep. Alan P