-- Advertisements --

Target ng dept of agriculture na makumpleto bago matapos ang taon, ang ginagawang pag audit o imbentaryo ng lahat ng farm to market roads sa buong bansa mula 2021 hanggang 2025.

Ayon kay Department of Agriculture Assistant secretary arnel de mesa na sa inisyal na pagsusuri, may nakita na silang ilang problema sa ilang farm to market road projects.

Dahil dito nagpasya aniya si Departmen of Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr. na pakilusin na ang Bureau of Agriculture and Fisheries Engineering unit para sa masusing pag imbentaryo.

Ang nasabing inisyatibo ay batay sa direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr na imbestigahan ang mga maanomalyang flood control projects ng DPWH.

Ayon kay De mesa, bagaman ang Department of Agriculture ang tumutukoy at nagba validate proyekto, ang actual implementation nito kasama ang bidding, commissioning at implementation ay sa DPWH, pero ang pondo para rito ay pasok pa rin sa da sa ilalim ng General Appropriations Act (GAA).