-- Advertisements --

Plano ng Department of Education (DepEd) na mag-hire ng 10,000 na mga guro sa susunod na taon.

Ayon kay DepEd spokesperson Atty. Michael Poa layon nito na matiyak na magkakaroon ng sapat na bilang ng mga guro sa mga paaralan.

Gumagawa na aniya sila ng mga aksyon para mapunan ang pangangailangan ng mga paaralan sa teaching personnel kabilang na rito ang “continuous hiring.”

Ipinaliwanag pa niya na naglabas sila ng Memorandum No. 76 tungkol sa pagpupunan sa mga kulang na posisyon ng mga guro.

Dagdag pa ng tagapagsalita na paghahanda o pagtitiyak lamang ito na magkakaroon ng sapat na bilang ng mga guro, pero nilinaw din niya na wala silang partikular na target.