-- Advertisements --
Itinuturing lamang ng Department of Education (DepEd) bilang isang isolated case ang kaso ng pamamaril sa loob ng paaralan sa Tacloban City.
Sinabi ni DepEd Undersecretary Malcolm Garma, na ‘isolated case’ lamang ito dahil sa dami ng bilang ng mga paaralan sa bansa.
Aminado din ang DepEd official na kailangan ng maraming paaralan sa bansa na palakasin ang kanilang seguridad.
Planong DepEd na makipag-ugnayan sa Philippine National Police (PNP), barangay officials, tanod at community-based security groups para maiwasan ang insidente.
Ang pagpapalakas ng mga seguridad sa paaralan ay dumedepende pa rin sa laki at dami ng mga estudyante.
Una ng ipinag-utos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr ang masusing imbestigasyon sa nangyaring insidente.
















