-- Advertisements --
Ikinalugod ng Department of Education ang isang libong taas para sa election honoraria ng mga guro at nagsilbing poll workers sa nakalipas na halalan ngayong taon.
Ayon kay DepEd Secretary Sonny Angara , malaki ang maitutulong nito sa libo-libong guro sa bansa at maging sa mga staff .
Aniya lahat ng mga ito ay ibinuhos ang lahat ng kanilang oras upang matiyak ang integridad ng electoral process ng bansa.
Pinasalamatan rin ng kalihim si PBBM at Department of Budget and Management (DBM) Secretary Pangandaman dahil sa kanilang mabilis na tugon.
Punto pa nito na malaki ang ambag ng mga guro at mga staff sa record-breaking na voter’s turnout ng nakalipas na halalan.