Nilinaw ng Department of Education (DepEd) na maaari pa ring mag-enroll sa mga pribadong paaralan ngayong school year ang mga senior high school (SHS) students na conditional qualified voucher applicants (QVAs).
Paalala ito ng DepEd sa mga estudyante at mga paaralang kasali sa SHS voucher program (SHSVP) para sa school year 2020-2021.
Ayon sa kagawaran, qualified na sa programa ang mga Conditional QVA ngunit kulang pa ang iprinisinta nilang mga dokumento noong application period.
Gayunman, sinabi ng DepEd na mayroon na lamang hanggang Oktubre 30 ang mga conditional QVAs na isinumite ang mga kulang pa nilang supporting documents.
Sa pinakahuling datos, nasa 2.8-milyong mga senior high school students ang kasalukuyang naka-enroll sa mga pampubliko at pribadong institusyon sa buong bansa.
Batay sa datos ng DepEd, umabot sa 61,919 ang nagsumite ng kanilang aplikasyon ngayong school year.
Ngunit matapos ang isinagawang screening, natapyasan ang bilang ng mga Qualified Voucher Applicants sa 14,006.
Habang nasa 30,209 naman ang mga conditional QVAs.
Ang mga Qualified SHSVP recipients ay makatatanggap ng voucher na nakadepende ang halaga sa itinakdang category ng ahensya.