Naniniwala si Senator Erwin Tulfo na dapat manatiling miyembro ng mga Senate committee sina Senators Jinggoy Estrada at Rodante Marcoleta kahit sila ay kasalukuyang nakakulong, ngunit hindi dapat aniya payagang bumoto sa mga committee proceedings.
Inihalimbawa ito ng mambabatas sa kaso noon ni dating senator at kasalukuyang Mamamayang Liberal Party-list Representative Leila de Lima, na dating miyembro ng Senate committee noong siya ay nakadetine.
Ayon kay Tulfo, nakapaghain pa rin noon ng mga panukalang batas si de Lima, ngunit hindi siya nakaboto dahil hindi siya nakakadalo sa mga sesyon habang nasa kulungan.
Iginiit niyang dapat ding ganito ang treatment kina Estrada at Marcoleta.
Si Marcoleta ay nakakulong kaugnay ng kasong P75 million plunder case, habang si Estrada naman ay nakaditene dahil sa P573-million plunder case at graft charges.
Samantala, sinabi rin ni Tulfo, chairman ng Senate Committee on Energy, na tatanungin niya ang National Electrification Administration tungkol sa posibleng pananagutan ng mga pulitikong hindi nagbabayad ng kanilang electricity bills.
Nauna nang binigyang-pansin ni Tulfo ang umano’y ilang pulitikong may-ari ng electric cooperatives na hindi nagbabayad ng kanilang konsumo sa kuryente.















