All set na ang Department of Education (DepEd) sa nalalapit na pilot implementation ng limited face to face classes sa ilang lugar sa bansa sa darating na Nobyembre 15.
Sa isang panayam kay DepEd Sec. Leonor Briones sa Laging Handa Public Briefing, masasabi aniya na handa na ang kanilang kagawaran sa pagsisimula ng nasabing aktibidad dahil sa nakatanggap na sila ng consent mula sa mga lokal na pamahalaan ng mga lugar kung saan unang sisimulan ang pilot implementation ng limited face to face classes.
Bukod pa rito ay nakatanggap na rin sila ng written consent mula sa mga magulang ng mga mag-aaral na gustong makibahagi rito.
Aniya, isa sa mga factors na kinonsidera ng DepEd ay ang kakayanan ng kanilang mga pasilidad na makapaglaan ng enough space para sa social distancing na ipatutupad sa bawat classroom, water supply, mga gamot at emergency actions.
Mahigpit din aniya na susundin ng kagawaran ang mga requirements na hinihingi ng pamahalaan katulad na lamang ng services, transportation at pagkain kaugnay sa mga naging risk assessment ng Department of Health upang maumpisahan na ang limited face to face pilot implementation.
Dagdag pa niya mula sa 1,900 na mga paaralan ay ibinaba nila sa 100 ang bilang ng mga public schools ang makikibahagi dito habang 20 private schools at ilang mga international schools ang bubuo sa nasabing limited face to face classes.
Samantala, sa kabila nang pagpapatupad sa pilot implementation ng limited face to face classes ay siniguro naman ng DepEd na hindi nila pababayaan at bagkus lalo pa nila paiigtingin ang iba pang learning modalities katulad na lamang ng paggamit modules, DepEd TV, at iba pang mga social mdia platforms.
Sa katunayan ay ibinida din ni DepEd Asec. Alma Ruby Torio na kasalukuyan nang nagsagawa ang kagawaran ng partnership sa mga United States Agency for International Development na layunin na sanayin ang mahigit sa 500 DepEd scriptwriters at teacher broadcaster para sa gender fair at inclusive educational program para sa mga mag aaral.
Aniya, nagbabalak din ang kanilang kagawaran sa makapagdagdag ng Filipino sign language na pagsasanay sa mga guro at paglalagay ng subtitle sa mahigit 200 episodes ng kanilang mga tv program, pagsasalin sa 50 episodes para sa mother tounge at 16 episodes naman ang isasalin sa english at filipino languange ng Deped TV.
Paliwanag pa ni Sec. Briones na hindi na magiging tulad ng dati ang isasagawang face to face classes kung saan ay 8-hours a day na nakaharap ang guro sa kanyang estudyante dahil hahaluan na ito ng blended learning na gagamitan ng teknolohiya at iba pa na makakatulong sa pag-aaral ng isang estudyante.
Patuloy pa rin na umaasa ang Department of Education na muling makapagsagawa ng face to face learning sa lahat ng paaralan sa buong bansa kasabay ng pagbangon nito sa pandemya kinakaharap dahil sa COVID-19 virus.